Thursday, January 20, 2005

Angono, Rizal part 1

Last Sunday nga pala, may project kami sa HU namin. Kailangan naming magpunta sa isang museum na merong artworks ng isang painter with the same themes or subject.... Nagbigay yung prof namin ng mga museums na pwedeng puntahan. National museum , Ayala museum , art exhibits sa SM Megamall, tsaka ung 2 museum sa Angono ung Blanco museum tsaka ung isa pa...Nakalimutan ko na hehehe....Then nag-decide ung group naming pumunta dun sa Blanco Museum... Well, masasabi ko lang, astig!!! Sarap pumunta sa Angono. Badtrip nga kung ma-realize mo na ung 1 hr na papunta ng monumento hanggang meycauayan halos katumbas lang ng cubao papuntang angono... Amfnesss.... Kung gusto ninyong pumunta dun sa Blanco Museum mula meycauayan...sakay ka ng jeepney tapos baba ka sa malanday then sakay ka ng bus papuntang EDSA then baba ka ng farmers cubao...Tawid kayo gamit ang overpass papunta sa kabilang kalsada at magtungo sa likod ng palengke...Kung inyong mapapansin sa inyong kaliwa ay makikita nyo ang Araneta Coliseum at sa bandang kanan naman ay may mapapansin kang 7 11...At dun ka magtutungo sa 7 11 hindi dun sa araneta... Sa gilid ay may sakayan ng tanay, binangonan at antipolo...Pero sa Angono ka sasakay...At kung nakasakay ka na jeepney,mula sa iyong kunauupuan ay magbabayad ka na ng Php 23.50 at sasabihing "Manong sa plaza po!". At kung umandar na ang jeepney at oorasan mo ang pagpunta mula cubao hanggang angono, marahil... sapagkat... datapwet... ay mahigit 1:01 oras ang biyahe at pag katapos ng mahigit 1:01 oras ay ibaba ka na sa plaza ng angono...mula doon ay hahanapin mo ang sakayan ng tricycle at sasakay ka...ng tricycle at sasabihing "sa Blanco Museum"...hanggang dito na muna lamang dahil may pasok pa ko...abangan ang part 2...

0 Comments:

Post a Comment

<< Home